Bakit nga ba I HEART MAMON ang url ng blog na ito? Madami na rin ang nagtanong sa akin nyan at isa lang sinasagot ko sa kanila. Ginawa ko ang blog na ito upang mapagtambakan ng aking kadramahan at ka-emohan sa buhay. Pusong mamon. Yun talaga ang gusto kong ipahiwatig sa blog na ‘to. Kung gaano ako kauto-uto pagdating sa pag-ibig. Nakanaman. Kung mapapansin ninyo, karamihan sa mga nauna kong posts ay mga tula at mga kwentong naranasan ko sa araw-araw. At kung magba-backread kayo, mapapansin nyong may kaunting pagbabago sa istilo at paksa ng mga entries ko. Astiging Mamon - inilalarawan lamang nito na ang pagiging pusong mamon ko ay may bahid din ng pagkatibay at pagkaangas kahit wala naman talaga.
Kung may nakita man kayong mga opinyon ko na hindi niyo nagustuhan o may nakita kayong mga typo at kabuluktutan sa mga pinagsusulat ko, maaari kayong lumiham sa inyong lingkod. (Wag mag-comment o magpadala ng hate mails.) Isulat lamang ang inyong mungkahi o puna sa isang one-half illustration board, gamit ang perrywinkle jumbo crayola, at dapat ay Arial type at ang font size ay nasa 13.5. Ipadala ang inyong sulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o kung wala sa lugar niyo ay ilagay nyo na lang sa pinakamalapit na basurahan at sumama na rin kayo. Dahil sa totoo lang, wala akong pakialam kung anong nasa isip nyo kung kokontrahin niyo lang ako dahil mahaba at boring ang mga posts ko. Yun lang. Maraming salamat.
About the author
Si Jeck o mas kilala sa pangalang Jeck ay isinilang sa bayan ng Cavite isang dekada matapos lumapag si Kokey mula sa kalawakan. Muntik na syang mapasama sa pelikulang Batang X at makahalikan si Anna Larrucea (tama ba ispel?). (…itutuloy)


34 Comments
jeck!!!!!! lumipat na ako! http://angblognichillidobo.wordpress.com/ kitakits okei?
welkam back sa WP, chilli!!! yeah. update ko yung link ko bukas. hehe. gtg
Cute ng blog mo.
aba…at pinoy pala si bruce wane?tangena yan!ahahahhaa…
hoy munay! este mamoN!
at bakit may protected post ka?
sabi ko sa sex ka lang mag condom..
pati dito nag proprotect ka…jusko..wala naman nabubuntis sa pgbabasa ah..
hmmp!
huy maldits! si lastikman ang ginagaya ko dyan. lols
yung protected post? alam mo na password dun. masyadong personal e. dapat nga di ko na iba-blog. hehe
may kamehame wave pala si lastikman. lols!
hay sa wakas nahanap din kita pareng jeck..
hahaha!!
lumipat ka pala.. diko alam pero ngayon alam ko na hehehe!
psstt..pakiusap.wag mong ipost yung pinag usapan natin kagabi…ayush?pakiusap..
ha haha….seriosli wag….yoko na ng gulo..ayush?
kaw ang titirahin ko pag pinost mo yun.
haha!
love reading your posts!!! sana sipagin ka palagi kasi marami ang natutuwa sa blog mo.. kahit nde halata… haha..
marami kang fans dito sa ofis namen.. heheh…
uy si jeck!
newbie here! at ang galing galing niyo pong magsulat!!!
sana po mameet ko po kayo in person. at kamusta na po pala ang sikat na tambalan ng asawa mong si CH_____KO? wehehehe
oi jeck anong password??
Oo nga Insan! Anong password???
baket bihira updates?
password pls!!!!!
mamon
tsk. may utang ka sa aking isang pagkikita.
aha at andito na pala ang blog mo!
pero parang natatakot akong mag-comment.
hindi ko alam kung may balat ako sa pwet pero natatakot akong baka burahin mo na naman ang blog mong ‘to.
nways, sana dis is it na talaga! wahaha!
err….ikaw ba ang dating si jekylle17?
NEW and FINALE post for Esep-esep PUBLISHED na! -utot
http://angblognichillidobo.wordpress.com/2008/11/17/esep-esep-finale/
Ako po si Mary Ann S. Sandoval, estudyante ng UP Diliman sa digring Ph.D. Filipino at kasalukuyang sumusulat ng disertasyon.
Kasabay ng paghingi ng pahintulot ay nais ko po sanang ipaalam sa inyo na ang inyo pong blog ay isa sa mga napili kong datos ng kasalukuyang pag-aaral tungkol sa eFil (Register ng Filipino sa Komnet o komunikasyong online). Partikular po ang inyong entri na pinamagatang “Si Shaider at ang Alamat ng Panty ni Annie” na siyang pinakahuli niyong entri sa panahon ng pangangalap.
Tinitingnan ko po rito at sa iba pang blog na isinusulat sa wikang Filipino ang uri ng mga umiiral na blog sa kasalukuyan.
Sana po ay marapatin niyo po ang bagay na ito at kung hindi man po, ay makatanggap po sana ako sa inyo ng tugon upang malaman ko kung kinakailangang maghanap ako ng panibagong datos.
Maraming-marami pong salamat.
Lubos na gumagalang,
MARY ANN S. SANDOVAL
maryzann (YM ID)
hmmmm… may bayad ba yan? hahahaha!
joke lang po. Ph.D sa Filipino? interesting yan ah.
sige po. papaunlakan ko po kayo sa inyong pagsasaliksik.
add ko na lang po kayo sa ym, tama ba?
MARAMING SALAMAT PO sa pagpapaunlak niyo.
Ok po.
ngayon alam ko na. isa ka palang nene tamayo talaga. lolz! tadong maldito kasi. panay regla ang usapan niyo sa post nia kaya kala ko isa kang chick. pacenxa na. napadaan pala. naaliw sa binasa. baka mapabalik.
hayup ka!!! tae!!! na miss ko posts mo ah!!! lalu na yung mahahaba..wahehe…abay malay ko bang hindi pala updated yung link mo sa blog kong wala nang kwenta..
hoi ate, kamusta ka naman? oh okei, naiinditihan ko kung di mo na ko kilala! *sniff*
dumaan lng ako jakol!!!
nice blog
nakakawiling basahin
wow hindi nga? so artista ka pala? pa autograph naman dyan…
hehehe, padaan…
Hello Jeck, ililink sana kita kaso di ko alam apelyido mo hehe.
hi erin.
medyo semi-anonymous ako dito sa blog ko e. baka mahuli ako ng pinagtataguan ko. pero pwede mo namang ilagay ang pseudonym ko jeck mundungus. haha! nasa livejournal ka pala. favorite ko ang mga tumblr posts mo. di ko lang nila-like kasi nahihiya me.
Salamat
Una kang nagsulat sa aking bagong lagay pero medyo luma na na tagboard. Haha. Ok, maililink na kita, Jeck Mundungus.
Ah, anonymity pala ang gusto mo, gusto ko rin yan kaso labo-labo na ‘pag sa internet ka nagpapublish ng sinsulat mo eh, kaya royal rumble nalang. Magkaalaman kung magkaalamanan, para sa ‘kin ah. Haha.
Tungkol sa wikang Ingles, dati kasi puro Tagalog din sinusulat ko kaso sabi ko sa sarili kailangan ko na mag-move on kaya banyagang lengguahe naman. Kaya yun.
Apir!
Kasabay ng paghingi ng pahintulot ay nais ko po sanang ipaalam sa inyo na ang inyo pong blog ay isa sa mga napili kong datos ng kasalukuyang pag-aaral tungkol sa eFil (Register ng Filipino sa Komnet o komunikasyong online). Partikular po ang inyong entri na pinamagatang “Si Shaider at ang Alamat ng Panty ni Annie” na siyang pinakahuli niyong entri sa panahon ng pangangalap.
+1
ahahaha sick ay kilala sa pangalang jeck
Hello tibo.
ang cool nito. bookmark ko to.