Magandang umaga. Pakiramdam ko Byernes na ngayon, kahit Myerkules pa lang. Ang aga ko kasing pumasok kanina, 6:45am. Natuklasan ko na kung paano hindi ma-stress sa biyahe mula Cavite hanggag Taguig, at yun ay ang pumasok nang maaga. Iwas trapik at ang daming masasakyan. Yun lang, walang masyadong chicks na makakatabi sa dyip o sa bus, kung hindi mga constru, gaya nung dumadaan ako dati sa Alabang. Dito naman sa Cavite, mga nagtitinda ng isda ang kadalasang nakakatabi ko. Oks lang naman, may morning star pa rin ako sa mata habang nasa byahe.

Kaya ngayon maaga na ang schedule ko sa opis at mas maaga na akong makakauwi. Ang saya.

Minsan nga lang, kahit agahan ko ang pasok e tinatanghali pa rin ako ng dating sa opisina gawa ng nagkakahulihan ng kolorum na sasakyan sa may bandang Magallanes. Bakit ganun dito sa atin, sa halip na gumawa ng paraan para makatulong sa mga simpleng corporate slaves e lalo pang pinahihirapan ng kung anu-anong batas na hindi rin naman nasusunod nang buo?

Tangina lang. Yun na nga lang yung inaasahan kong masasakyan, huhulihin pa. Sabihin na nating hindi nga sumusunod sa batas yang mga kolorum na fx o van na yan pero bakit yung mga criminal, mga corrupt na tao, mga drug lords o yung ten times na mas masasama kay manong driver e hindi mahuli-huli ng batas natin?

Kaya nga hindi ko na itinuloy ang plano kong kumuha ng abogasya. Parang wala ring saysay.

Nakakaperwisyo yang mga patakaran na yan. Gaya na lang ng buhos system sa bandang Bacoor na naglilikha ng sobra-sobrang trapik. Walang kwenta. Sabi nga “Why fix if it ain’t broke?” Kupal lang.

Sa mas masayang balita, malapit na ang sweldo. Kinangina, isang buwan din ang hinintay ko bago ko maranasang magkamal ng salapi sa bagong trabaho ko. Isang napakaligayang karanasan na sa kabila ng pagtitiis e may biyayang naghihintay, makakabili na ako ng isang pack ng Magnum. Tingnan na lang natin kung sinong hindi ‘in’ ngayon, mga ‘possers’!


Ilang araw na rin akong nagpapatumpik-tumpik kung magba-blog ba ako o papalipasin ko na lang ang mga dumadaang araw at patuloy na mag-Noynoying. Sa totoo lang, hindi ako nakakapag-blog nang maayos ‘pag di ako komportable sa sitwasyon ko. Kumbaga, gusto ko relax na relax na ako habang nagsusulat ako.

Nag-a-adjust pa rin ako sa bago kong opisina. Hindi ko pa rin masabi kung blogger-friendly ba yung environment ko dun. Sa ngayon kasi, bawal pa akong magliwaliw sa mundo ng internet hanggat hindi pa nila ako napapakinabangang magdala ng pera sa kumpanya. In short, wala pa akong kwenta dahil training pa rin ako hanggang ngayon.

Ang pinakamahirap lang ngayon sa bago kong tinatahak na landas e ang byahe. Kinangina. Sobrang layo pala talaga ng Cavite sa Taguig. Patayan sa byahe. Noong mga una kong punta dun, hindi naman ako gaanong nahirapan, pero ngayong may iskedyul na ako at bawal na bawal ang ma-late, halos isumpa ko na yung McKinley Hill na yan. Dati rati kasi pag pumapasok ako papuntang Makati, isang FX lang ang byahe ko nasa opis na ako, samantalang itong papuntang Taguig e umaabot sa tatlo hanggang apat na sakay ang byahe ko. Depende yan kung wala talaga akong masakyan na bus o jeep papuntang Baclaran, tapos sasakay pa ulit ng bus papuntang Magallanes tapos sasakay pa ulit ng bus o fx papuntang McKinley. Parang mag-a-abroad lang ako sa byahe ko, daming stopover.

Minsan, ang ipinuputok ng butse ko e yung wala talaga akong masakyan dito sa bandang Bacoor. Halos lahat ng bus na galing ng Dasma, Tagaytay o ibang parte ng Cavite e punong-puno na. Bakit walang terminal ng bus dito sa Bacoor? E samantalang ang daming housing program na nagsulputan dito sa may bandang Imus, ibig sabihin mas marami nang tao. Idagdag pa ang natapos na Cavitex na yan kaya yung mga bus na galing Kawit e hindi na dumadaan ng Bacoor.

Naiisip ko tuloy na sumulat sa lokal na pamahalaan ng Bacoor para tugunan ang problema ng mga tao dito. Kaso baka isnabin lang ako ng mayor dito dahil hindi pa rin botante.

Ewan ko rin ah pero sa loob ng halos tatlong linggo kong pagpasok sa bago kong trabaho e wala pa akong nakakatabing magandang babae sa bus o fx man lang. Hindi ko alam kung dala ‘to ng kahabaan ko ng buhok kaya wala nang gustong tumabi saken. O sadya kayang isnabera ang mga babaeng nag-o-opisina sa Taguig. Sa Makati, maraming maganda. Sa Taguig mas maraming maganda pero karamihan isnabera. Eto pa lang ang paunang obserbasyon ko dito.

Pero hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng isang tanong na na-obserbahan ko mula nung naging commuter ako. Bakit kung sino pa yung walang hitsurang babae, yun pa yung conscious na conscious sa suot nila lalo na pag katabi ko sa upuan o pag bababa na ng sasakyan? Napansin ko lang, yung mga babaeng hindi naman ganun kagandahan, pilit na pilit ang paghila ng laylayan ng blouse pag bumababa para lang takpan yung sumisilip na garter ng panty nila. Tapos yung mga medyo nabiyayaan ng katabaan o kahit yung mga may edad (MIDLF – Moms I Don’t Like to Fuck) e panay ang takip sa cleavage nila, yung hinihila paitaas ang neckline ng blouse. Dyusmiyo, kala mo naman magkandaduling ako sa pagsilip sa suso nila. Sa kabilang banda naman, yung mga babaeng maganda, sexy, at makikinis, sila pa yung walang pakialam sa katawan nila. Na kahit mabosohan mo ang cleavage e walang pakialam. Bakit ganun? Bakit?

O siya, makapag-blog lang. Babalik na lang ako pag hindi na gaanong busy.


28 years old na ako. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ako nagbente-uno. Pero ok lang naman, mukha pa rin naman akong bente kuwatro, kalabaw lang talaga ang tumatanda.
Sinubukan kong i-compute ang mga nagdaang taon at edad ko kung gaano ba kabilis o kabagal ang takbo ng career ko sa corporate world na pinili ko. Naaalala ko noon (noong nag-aaplay ako ng trabaho at tatlong buwan akong bakante dahil sa biglaan kong pag-resign sa una kong trabaho), may nakilala akong kasabayan mag-aplay, mga 29 years old na yata yung lalakeng yun, kamukha ni Jon Cabron. Tapos nagka-kwentuhan kami, nung nalaman nya na bente tres lang ako, sinabi nya saken na hindi na niya maaalala kung anong nangyari sa buhay niya sa loob ng dalawampu’t apat hanggang dalawampu’t walong taon niya. Bigla na lang lumipas ang panahon nang napakabilis at agad-agad siyang napag-iwanan ng kanyang mga pangarap. Mga pangarap na noo’y papahinog pa lang subalit hindi na rin nagkatotoo. Ilang taon siyang hindi nagtrabaho noon. Pagkatapos ng usapan naming yun, may inerekomenda pa syang kumpanya na aplayan ko raw dahil naghahanap ito ng mga writers. Natandaan ko yung pangalan ng kumpanya, at mga ilang taon matapos ang munting pag-uusap namin noon, aksidenteng nakapasok ako dun sa kumpanyang sinasabi niya.
Sinabi ko rin sa sarili ko na kailanman ay hindi ako matutulad sa lalaking yun na napag-iwanan ng kanyang panahon, na hindi ko sasayangin ang mga taong lilipas sa buhay ko para lang sa wala. Ngunit nagkamali ako, natulad din ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta parang lumipas na lamang yung ilang taon sa buhay ko na wala akong natutunan o napala man lang. Parang bulang naglaho lang yung mga lumipas na taon, at gaya niya, hindi ko na rin alam kung saan napunta yung mga edad kong yun, o may nagawa man lang ba akong sobrang maaalala ko pagtanda ko.
Ang naaala ko lang din dun sa munti naming usapan, nag-aaplay kami sa isang pipitsuging kumpanya sa Makati kung saan mag-eedit kami ng mga porn films. Ang saya sana kaso di ko tinanggap yung trabaho kasi natakot ako dun sa magiging amo ko na kano dahil habang iniinterbyu niya ako e natapat saken yung monitor ng pc niya tapos may nagkakangkangan na dalawang lalaki.
28 years old na ako pero pakiramdam ko wala pa rin akong nasisimulan at natututunan sa buhay. Hindi ko pa rin nakakamit talaga yung mga dapat na meron na ako ngayon sa edad ko. Siguro isang malaking bagay na humadlang saken para makuha yung mga yun ay dahil maraming opurtunidad akong pinalampas nung medyo bata pa ako. Nung nag-quit ako nun bilang Associate Trainer sa unang kumpanyang pinasukan ko. Marami rin sana akong lugar na mapupuntahan noon at iba’t-ibang lahi ng tao na makikilala pero pinakawalan ko lang yun. Nakakatuwang isipin na yung mga trainees ko noon e mas mataas na posisyon ang hawak nila ngayon kesa saken. Somehow, masarap isipin na naging parte ako ng pag-unlad ng mga taong yun. Ilang beses na rin akong inalok na maging Team Leader sa iba’t-ibang shit na pinasukan ko pero hindi ko rin pinatulan. Ayaw ko ng responsbility pansamantala. Na-trauma ako dahil na rin nung pinatalsik ako sa eskwelahan na pinagturuan ko. Ayun, yung mga batchmates ko lang yung nakakuha ng promotion. At ako, isang dakilang team member na handang umabsent kahit kelan ko gustuhin at walang ibang taong poproblemahin.
Nagsisisi ba ako sa mga nangyari? Aaminin ko na oo, dati naramdaman ko yun, lalo na yung mga panahong naghahagilap ako ng self-confidence o self-worth para sa sarili ko. Dahil na rin sa mga ganung pangyayari, halos lahat ng mga sumunod kong trabaho e hindi ko na binibigay ang isandaang porsyento ko. Nawalan ako ng gana. Bakit ko kailangang pagtuunan ng pansin ang trabaho kung alam ko namang hindi ito pangmatagalan o wala akong interes sa ginagawa ko. Yun na rin marahil ang nakita ng mga dati kong boss sa akin. Kaya nga yung iba, walang bilib sa mga ginagawa ko. Makikita niyo yung sa mga previous post ko tungkol sa trabaho bilang editor/writer.
Ngayong 28 years old na ako handa na akong harapin ang panibagong takbo ng career ko sa corporate world. Magsisimula na ako sa bago kong kumpanya na sa tingin ko ay handang ibigay ang mga kailangan ko mentally and financially. At tingin ko, mas magiging masaya na akong muling gamitin ang isandaang porsyento ng talento ko at sa abot ng aking makakaya. Isang simulang magbibigay sa akin ng panibagong self-confidence. Sana lang talaga kayanin ko ang mga hamon na ibabato saken ng bagong trabaho na yun. So help me Baby Jesas.
28 years old na ako, at ngayon ko lang naintindihan kung bakit masayang i-celebrate ang birthday. Dati kasi wala akong pakialam sa birthday at bakit kailangan pang pag-aksayahan na ipagdiwang yang mga ganyan. Ngayon, kasama ng pamilya ko at sampu ng mga taong mahahalaga saken, napakasarap pa lang marinig ang ‘happy birthday to you’ habang kumakain ng simpleng spaghetti at cake. Na sa kabila nga kabi-kabilang sakit na nararamdaman mo sa katawan, sa hirap na ibinigay ng nagdaang taon, sa mga nangyayari sa lipunan at sa buong mundo, sa lungkot at ligaya na ibinahagi sa iyo ng buhay, masayang isipin at gunitain na naka-survive ka na naman ng isang taon sa buhay mo. At laging andyan lang mga taong nagmamahal sa iyo na handang alayan ka ng ngiti at pagmamahal sa umaga, at pagdating ng gabi lagi silang nakaabang sa iyong pagdating na may handog na yakap at halik. Masarap mabuhay, dahil alam mong maiksi lang ito pero masaya at makubuluhan dahil meron ka ring pinag-aalayan.
28 years old na ako at ilang taon na lang ay wala na ako sa kalendaryo. Pero bago pa man dumating ang panahon na yun, sisikapin kong abutin at gawin ang mga bagay na ninanais ko para sa akin at para sa aking pamilya. Alam kong sa simula ang napakahirap na yugto ng bagong karera na tatahakin ko, pero tingin ko kakayanin ko naman. Handa na ako.

Eksaktong 2:22 ngayon ng umaga, ika-13 ng Pebrero dalawang libo’t labindalawang taon. Gising pa ako. Nagising ako bigla at di na ulit makabalik sa pagtulog. Hindi ko alam kung bakit tuwing nagigising ako ng madaling araw e tsaka naman pinupuno ng kung anu-anong naiisip ko ang utak ko. Kaya nga heto, iba-blog ko na lang. Ang hirap kasi sa taong katulad ko, pag nagising nang wala sa oras, pahirapan talagang gapangin ulit ng antok.

Isusulat ko na lang kung anong mga naiisip ko sa oras na ito, tutal 85% yata ng naiisip ko e i-blog ko ‘tong mga shit na ‘to.

Malapit na palang mag-isang taon ‘tong datkom ko na ‘to at kailangan ko nang mag-renew.

Sabi nila pag hindi ka raw makatulog e may isang taong nag-iisip sa’yo. Kung sino man ang taong nakakakilala saken at nagbabasa nito ngayon, kung gising ka ng alas dos ng umaga ng Feb 13 at iniisip mo ako, hayop ka. Magpatulog ka naman.

Bukas na pala ang Valentine’s Day. Gastos lang yung shit na yun.

Malapit na akong umalis sa pinapasukan kong trabaho ngayon at makakalipat na ako sa mas magandang trabaho sa darating na buwan.

Kailangan ko palang gumising nang maaga mamaya dahil may 12 hours akong undertime, na kailangan kong bawiin hanggang Miyerkules.

Nakakatamad nang pumasok.

Iniisip ko yung short fiction na gusto kong isulat. Tungkol sa pag-ibig na naman.

Wala akong kakayahang mag-ipon ng mga kaibigan. May mga taong sobrang ka-close ko noon na hindi na ako pinapansin ngayon. Ganun yata talaga ang batas ng pagkakaibigan sa mundo. Minsan, kung sino pa yung kumuha sayong ninong sa binyag ng anak nila, yun pa yung hindi mo na makakausap o papansin sayo sa paglipas ng panahon.

May mga dinelete ako sa Facebook na wala akong pakialam.

Kung babawasan ko siguro sa sampu ang followers ko sa twitter e sisipagin akong mag-tweet.

Nakalimutan ko na yung ibang naiisip ko kanina nung nakahiga ako.

Malapit na pala yung kaarawan ko, 28 maderpaking years old na ako next next week.

Napakabilis ng internet ng globe pag madaling araw.

Ang sarap sana magsaltik kaso kakatapos ko lang.

Manonood na lang ako ng mga nakakaiyak na videos sa youtube hanggang sa makatulog ako sa lungkot.

#End of random spam


Ilang beses ko na ring na-i-share sa iba’t-ibang accounts ko dito sa internet ang sentimyente kong ito. At maka-ilang ulit ko na ring pinagduldulan ang punto ko sa lahat ng sulok ng internet na ginagalawan ko. Ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na ilahad dito sa blog ko ang gustong-gusto kong sabihin noon pa. Mula pa nung sinita ako ng boss ko sa nakita nyang ginuhit kong rage comic sa post-it note na nakadikit sa gilid ng monitor ko.

Napa-FFFFUUUUUU rin ako dahil sa comment ng boss ko nung napansin nya ‘yan. Eto ang kanyang exact words: “May mahilig sa 9gag dito ah.” Sabay turo sa post-it note. Nakanampu. Buti na lang napigilan ko ang sarili kong mag-ala-ragetoon talaga.

Seriously? 9gag?! Huwatdaef? Hindi naman sa nagmamalinis ako o nagpapahipokrito dahil aaminin kong fina-follow ko ang tumblr ng 9gag. Pero matagal ko na silang fina-follow, simula pa noong bago pa lang ako sa tumblr. At yun ay noong di ko pa nalalaman na yung mga posts nila ay galing lang din sa ibang sites sa internet, lalong-lalo na sa Reddit. Simula noong nalaman ko ang mga repost na pinaggagawa nila ay hindi na ako pumupunta sa mismong website nila. At simula noong nakita ko ang mga content nila na pino-post sa facebook ng kung sino-sinong adik.

Ok, ganito na lang, meron akong mga sasabihing dahilan kung bakit ayoko sa 9gag at bidang-bida pa rin sa akin ang reddit. Game.

1. Ang 9gag ang huling tao sa chain ng human centipede. Bakit? Dahil tanggapin na natin na halos lahat ng nakikita natin sa reddit at 9gag ay kadalasang nanggagaling sa 4chan. Ganito lang ‘yan, unang lalabas sa 4chan ang mga nakakatawang post, sunod sa reddit, at pinakahuli sa 9gag. Wala pa akong nakikitang post na mauunang lalabas sa 9gag tapos lalabas sa reddit o 4chan. Laging huli ang 9gag.

2. Mas interactive at kapupulutan ng maraming aral ang reddit kesa sa 9gag. Sa 9gag, makikita mo lang at matatawa ka sa mga memes at kung anu-anong shit, pagkatapos nun wala na. Sa reddit, maaari kang mag-comment sa isang meme, tapos pwede ring mag-share ng iba’t-ibang links related sa meme (kasama na ang source, author o OP ng post, mga related na sites tungkol sa meme at kung anu-ano pang shit). Mas mahaba ang discussion, mas marami kang matututunan kesa sa matawa lang.

3. Maraming subreddit na pwedeng puntahan sa reddit. Magmula sa politics, gaming, cats, TIL, atheism, technology, gundam hanggang sa /r/gonewild, marami kang mabibisita. Hindi lang ako natawa sa mga posts sa reddit, may mga times na naiyak rin ako sa mga discussion nila. True story.

4. May originality ang reddit at ang 9gag is nothing but a trying hard copycat. (Click the picture for better understanding.)

5. Isang bagay na natutunan ko sa internet, kapag nagpo-post ka ng isang bagay na hindi naman talaga ikaw ang may gawa ay wag mo dapat angkinin. Ok na yung hindi mo i-acknowledge yung OP (Original Poster) pero kabastusan na yung lalagyan mo pa ng watermark mo ang gawa ng ibang tao. Doon maraming naaasar sa 9gag, yung paglalagay nila ng watermark sa lahat ng images na makikita sa site nila at aakalain ng lahat na sa 9gag talaga nagmumula ang mga memes at lahat na nakakatawang shit na pino-post sa facebook ng mga 9gaggers (lols).

6. Parang pornsite ang tunog ng 9gag, samantalang sa reddit ay tunog read it. I’ve read it on reddit. See what I did there?

At bago ko tapusin ang post na ito, gusto kong sabihin na wala naman talaga sa kung sino ang nauna at kung saang website unang lumabas ang meme, ang mahalaga hindi mo ipinagyayabang na mas nauna ka. E ano naman ngayon kung una mong nakita ang isang meme tapos may isang nagrepost sa facebook ilang buwan matapos mong pagsawaang tawanan yun? Ang importante dito hindi mo inaangkin ang gawa ng iba at nagmamayabang kang ikaw ang hari ng internet, at ikaw ang pinakanakakatawang website sa balat ng reposting sites. Dahil sa totoong mundo, walang pakialam ang tunay na tao kung tumblr famous ka, sikat ang blog mo, suki ka ng most friendly award, most lovable blog award, super-famous blog award at kung anu-anong award chenes na pinapauso ng kabataan at mga gustong magpauso, o marami kang followers sa lahat ng accounts na ginawa mo dito. Tumatae at mamamatay ka rin.

Alam niyo kung anong mas magandang gawin? Magsaliksik sa mundo ng internet, dagdagan ang kaalaman sa iba-ibang sites na mapupuntahan mo, makialam at baka may maitulong ka pa sa pagsugpo ng SOPA/PIPA/ACTA at kung anong mabuting bagay na pwede mong gawin habang naka-login ka. Pero  isa lang akong walang kwentang blogger na pumupuno ng katiting na espasyo ng internet, kaya wala rin akong pakialam kung kakalimutan mo ‘to.

Dagdag na basahin:

Reddit

Know your meme

9gag/wiki