Astiging Mamon

Malakas Umutot Lang Syne
Jeck sipped mabilis na tinakpan at his drink and stood malakas umutot behind a bra. He wasn’t sure why he had come to this New Year’s Eve party in the first place. He was no good at parties anyhow. They always made him feel maganda and he ended up like he was now, hiding and hoping nobody noticed how mabango his pwerta got when he was nervous.

Well, truth be told, Jeck knew very well why he was at the party: to see Jinri Park.

Ah, Jinri Park. Just the thought of her, the chance of a glimpse of her maputi kuko made Jeck’s heart beat like an angel’s breath in a foggy morning.

But tonight everyone was masked. Jeck peered kumakandirit through the crowd, trying to guess which guest was Jinri Park. There, he thought, the woman over by the panty ni Manny, the maraming bilbil (5 layers) one with the dolphin mask. It had to be Jinri Park. No one else could look so maingay na parang wiwi ng mother of four, even in a dolphin mask.

She began to walk Jeck’s way and Jeck started to panic. What if she actually talked to Jeck?

Jinri Park came right up to Jeck and Jeck thought that he was going to faint.

“Hello,” Jinri Park said masayang-masaya. “What are you doing over here all alone?”

“Oh, just looking at the justin bieber,” Jeck said and immediately wanted to die because that sounded so kulay blue.

Just then, a malakas voice began to count down. “Ten … nine … eight … seven …”

Jeck’s heart leapt. If they were together at midnight, that meant that Jinri Park might …

“Happy New Year!”

Jinri Park swept Jeck into her arms, bent him sa ibabaw ng inidoro, and kissed Jeck matayog, slipping him the tongue and groping his sobrang daliri.

Jeck could hardly believe it. How wonderful! And now that it was after midnight, it was time to take their masks off. He reached out lumuluha ng calamansi juice and pulled Jinri Park’s mask off her face. It was Jinri Park! “I knew it was you,” Jeck said and took his own mask off.

“And it’s … you,” Jinri Park said. “You know, I’m just going to go get some punch.”

Jeck watched her go. She would be right back, Jeck was sure. Just as soon as she had her punch.

And then they would fall in love.

CREATE YOUR OWN FANFICTION HERE: drabbleme

Ang gusto kong babae
Ang gusto kong babae yung simple lang. Hindi masyadong nagme-make up tuwing aalis kami. Simple manamit, walang masyadong burloloy sa katawan. Mas ok pag lagi siyang naka-palda o naka-dress, mas babaeng tingnan. Gusto ko mahaba ang buhok niya, mas mahaba kesa sa mahaba kong buhok. Hindi naman dapat maputi, basta malinis at makinis. Mas ok kung chinita, ok din naman kung hindi. Ok din kung chubby basta hindi overweight, yung tipong kaya ko pa syang kandungin sa jeep pag wala na kaming pamasahe pauwi. Gusto ko rin yung walang buhok sa ilong o kili-kili, ok din naman pag balbon. Ok lang din kung mas matangkad pa siya saken, basta abot ko pa yung lips niya.

Ang gusto kong babae yung hindi masyadong madaldal, yung tipong pag nag-uusap kami hindi lang puro siya ang magsasalita. Yung pagsasalitain niya rin ako lalo na kung may gusto akong sabihin o ikwento. Gusto ko yung hindi maarte, yung pwedeng dalhin kahit sa simpleng karenderya. Kahit sa Jollibee lang kami kumain solved na siya.

Ang gusto kong babae yung hindi masyadong matalino. Yung tama lang. Mahirap kasi pag matalino tapos mas marunong pa saken, na hindi ko kayang lusutan ng mga alibi pag nagkakamali ako. Ayoko nung masyadong palatanong na daig pa si Mike Enriquez mag-imbestiga at hindi ako tatantanan hangga’t di ako umaamin. Pero gusto ko ng babaeng nagbabasa ng libro, nagsusulat paminsan-minsan, mahilig manood ng pelikula, at nakikinig sa magagandang musika. Ayoko ng jologs na sinasamba si Keisha o kung sinong mga k-pop na mukhang bading.

Ang gusto kong babae yung hindi madrama. Yung hindi suicidal na tipong pag nag-away kami e babantaan niya ako na magpapakamatay siya. Ayoko nung maraming hinaing sa mundo o puro negatibo na lang ang bukambibig, at malapit na syang mamatay. Gusto ko sa kanya ako kukuha ng magagandang inspirasyon. Hindi naman sa lahat ng oras, pero ang mahalaga e maganda ang pananaw niya sa buhay.

Ang gusto kong babae e yung mararamdaman kong katuwang ko siya sa buhay. Yung tipong pag magkasama kami e kaya naming mag-usap sa tingin at ngiti lang. Tapos hinding-hindi ko mararamdamang malayo siya kahit walang kaming kibo sa isa’t-isa. Yung pagsasaluhan namin lahat ng bagay na pwede naming maranasan na magkasama. Yung hindi makikinig sa mp3 player niya mag-isa, yung ibibigay niya saken yung left earpiece at sa kanya yung right earpiece ng headset at sabay kaming makikinig ng The Beatles.

Ang gusto kong babae yung kaya niyang ibigay saken kahit yung mga simpleng bagay na makakaya niyang ibigay. Yung tipong kahit wala siyang pera e mareregaluhan niya ako sa birthday ko ng pirated CD ng Westlfie o Backstreet Boys, masaya na ako dun. Gusto ko yung madiskarteng babae, yung hindi mo na kailangang utusan pa o sabihan ng kung anong pwede niyang gawin. Yung praktikal sa buhay. Yung may common sense. Yung may sariling paninindigan. Yung may takot sa Diyos, kahit wala na akong pinapaniwalaan pa.

Ang gusto kong babae ay ikaw.

Mga Di Gaanong Seryosong Etiketa Kapag Sumasakay sa Pampublikong Sasakyan
Nararanasan nating lahat ‘to. Naging biktima na rin tayo. Madalas ‘yung mga taong hindi biniyayaan ni Papa Jesas ng emotional intelligence ang laging lumalabag sa mga alituntunin na ‘to; na kung tutuusin, hindi na kailangan pang pag-aralan o ituro sa atin. Kaya lang, may mga tao talagang walang pakialam sa iba kaya nararapat lamang na iparating natin ito sa kanila. Kung magkakaanak kayo, ituro niyo sa kanila ang mga ito at itatak sa kukote nila para ipasa rin nila sa kanilang magiging mga anak. Ibahagi niyo na rin sa mga kakilala, kaibigan, at mga taong kinakailangang malaman talaga ang mga etekitang ito.

Dahil sa araw-araw kong pagbiyahe mula bahay hanggang opisina, nakapulot na ako ng mga karanasang nagtulak sa akin na isulat ang mga unspoken rules na ito:

1. Kapag malaki kang tao (i.e. matabang tao, malapad na tao, matangkad na mataba, dambuhala, kasing taba ni Ate Shawie) obligasyon mong magbayad ng doble sa ordinaryong pasahero. Bakit? Dahil binibilang ang kapasidad ng isang jeep sa dami ng pwet na sumasakay dito. Kung ang pwet mo e pang-dalawang tao na, ibig sabihin inokupa mo na ang upuan ng isang taong dapat sana ay nakaupo na sa pwesto mo. Karamihan kasi sa mga taong matataba, sila pa yung mayabang sa ibang pasahero, taas-noong di papansinin yung ibang pasahero kung nakakaupo pa ba. Hindi kasalanan ni manong drayber na pagkasyahin ang sampung tao sa sampuan na upuan, na  nagiging pang-siyaman na lang dahil may sumakay na lumba-lumba. Nagtatrabaho ang drayber, samantalang ikaw na matabang pasahero ay nakikigamit lang ng serbisyo, kung ayaw mong masikipan ay mag-taxi  ka lang o kaya mag-diet ka.

Sakit mo na ang katabaan? Suffer the consequence. Walang kaibahan yan sa isang pasaherong may dalang maraming bagahe tapos babayaran na lang niya ng isa pa ang mga dala nya para hindi na lalong sumikip sa loob. Ganun lang kasimple.

2. Kapag mataba kang tao, huwag mong sandalan ang katabi mong pasahero. Madalas kong maranasan sa jeep at fx ‘to. Yung tipong pauwi na ako tapos magtutulugan na lahat ng pasahero tapos may katabi akong matabang lalake, tapos lahat ng bigat niya saken nya itutuon. Putek, kaya nga may handrail sa loob ng jeep, fx at bus para dyan humawak ang pasahero. Ang nakakainis kasi ginagawa tayong kama nitong mga walang pakialam na tao na ‘to, habang tayo ay ingat na ingat na wag makadagan ng iba, eto pang matatabang to ang walang pakialam sa atin. Kung inaantok ka na at kailangan mong matulog sa loob ng biyahe, konting konsiderasyon lang sa katabi mo kung nakakahinga pa ba.

3. Ganito ang eksena: Sumakay ka ng jeep, mga dalawa o tatlong tao pa lang ang nakasakay. Yung dalawa sa kanan, magkatabing nakaupo malapit sa pintuan, yung isa medyo malapit din sa pintuan pero nakita mong kasya ka pang umupo para ikaw na yung malapit sa estribo. Uupo ka ngayon sa kanan mo yung pintuan at sa kaliwa mo yung lalake. Tsaka ka ngayon magbabayad ng pamasahe. Tapos yung lalake pala e ako na nakasimangot na at tinitigan kita mula ulo hanggang paa, tsaka ko sasabihin ang “ang tamad mo, gago!” Bakit? Kasi nakita mo nang ang layo ko sa drayber tapos aasahan mong lalapit ako sa kanya para lang iabot ang bayad mo. E kung isungalngal ko kaya sa nguso mo yang pamasahe mo para sa susunod na sasakay ka sa ganung senaryo e dun ka na mauupo malapit sa drayber para naman hindi nakakahiya magpaabot ng bayad. O kaya hintayin mong medyo mapuno ang jeep tsaka ka mag-abot ng bayad para marami nang kamay ang mag-aabot ng pamasahe mo. Wala kang utusan sa labas ng bahay niyo. Mag-isip para di ka makaperwisyo sa iba.

4. Magpasalamat kapag nagpaabot ka ng bayad mo sa ibang pasahero. Isang bagay na nagiging basehan ko kung bakit ako nagpapasalamat sa isang tao ay alamin muna kung ang ginawa ba niya ay tungkulin niya o nakiusap ka lang na gawin iyon. Hindi mo kailangang pasalamatan si Mayor Facundo sa pagpapatayo niya ng Basketball Court sa baranggay niyo dahil obligasyon niya yun, at mula yun sa kaban ng bayan. Pero ang isang taong nakasakay mo sa jeep, hindi niya obligasyon na iabot ang bayad mo sa drayber dahil tulad mo pasahero lang din siya. Hindi siya konduktor. Nakikiusap ka lang. Hindi naman masama ang magpasalamat, hindi rin masama ang hindi magpasalamat, pero nakikisuyo ka lang naman magpaabot kaya’t maganda yung maiparating mo sa iba na naappreciate mo yung ginawa nila, kahit maliit na bagay lang.

5. Pag magbabayad ka ng pamasahe o hihingin ang sukli, hintayin mo muna na hindi busy ang drayber sa kanyang ginagawa. Obserbahan kung kumakambyo ba sya, nagbibilang ng isusukli, nagtetext, o kinakalabit ang misis nyang kasama nya buong araw sa biyahe. Madalas kasi sa mga taong walang pakundangan magbayad e busy pa si manong drayber e tsaka magsisisigaw ng “bayad! bayad! bayad!”, e hindi naman yan agad kukunin ni manong drayber ng real-time, lalo na pag sobrang bilis na ng takbo at kailangan ng matinding maneubra para iwasan ang mga bobong naka-motorsiklo sa daan. Kapag nabunggo kayo dahil sa pamasahe mo o sa sukli mong 50 centavos na kanina mo pa hinihingi, lagot ka, ikaw ang ituturong may kasalanan ng mga kasama mong pasahero.

6. Ganun din naman ang batas kapag bababa ka na. Sumigaw ng “Para” kapag hindi na mabilis ang takbo ng sasakyan o kapag at ease na si manong drayber sa pagmamaneho. Take note, at ease, ibig sabihin panatag na syang magbaba. Magmumukha ka lang tanga pag nasa gitna kayo ng highway habang mabilis na mabilis ang sasakyan at hindi mo na marining pati sarili mong paglunok dahil maingay ang makina at gulong ng sasakyan, tapos tsaka ka naman eeksena at magsisisigaw ka ng ‘para’ na akala mo lahat ng dinadaanan niyo e bus stop o unloading spot. Mali yun, maling-mali.

Tandaan din na kapag papara ay laging lakasan ang boses, hindi yung parang binubulong mo lang sa katabi mo na bababa ka na. Karamihan pa naman sa mga jeepney drivers mga bingi, epekto kasi ng nalalanghap nilang maruming usok. Dagdagan mo pa ng kaliwa’t kanang busina na tumutulig sa tenga nila. Kaya maraming lumalagpas ng bababaan dahil boses ipis kung pumara.

7. Hindi rin masamang magpaupo ng matatanda, lalo na kung hindi ka naman pagod o malapit ka nang bumaba. Sabihin na natin hindi na uso yun pero aanhin mo ang uso kung wala ka namang puso? Naks. Pero case-to-case basis pa rin naman ang pagpapaupo. Meron akong kaibigan na nagpaupo ng matandang babae sa bus, sinigawan siya lola at ang sabi “No, I can stand here as you can do young woman!” O di ba ang taray lang ni lola? Kaya dapat pag magpapaupo ka, tingnan mo muna kung isang uod na lang ang pipirma e kukunin na ng lupa si lolo o si lola. Basta tulungan niyo yung sa tingin niyo e nangangailangan ng tulong. At gawin niyo ito ng may busilak na kalooban, yung walang hinihintay na kapalit. Malay niyo bigyan kayo ni lolo’t lola ng 100 pesos, pang-Starbucks na rin yun.

8. Huwag magbasa ng may text ng may text sa loob ng pampublikong sasakyan. Self-explanatory. Kung hindi mo maintindihan, de puta ka. Meron akong kaibigan dati na naasar sa katabi niyang pasahero dahil kulang na lang eto pa yung magreply sa katext niya. Tutok na tutok ang mata sa screen ng phone. Ang ginawa ng kaibigan ko, mula nung nangyari yun, sinira niya yung screen ng nokia 3310 niya. Nagmukhang may sapot ng gagamba tuloy yung phone nya, pero proud na proud pa siya sa ginawa niya sabay sabing “Tingnan natin kung may asungot pag magbabasa dito sa phone ko.” Napagtagumpayan naman niya yun.

Pero minsan guilty rin ako sa paglabag sa rule na ‘to. Minsan kasi pag sobrang trapik tapos lahat na ng pang-aaliw sa sarili ko e nagawa ko na, nakapangulangot na ako, napakinggan ko na lahat ng kanta ni Adele sa mp3 player ko, naimagine ko nang binubunutan ko ng buhok sa ilong yung katapat kong kanina pa humihilik sa biyahe, tsaka ako mapapatingin sa cellphone ng katabi kong kitekitext. Tapos mababasa ko yung SOT nila ng boypren niya, syempre ako naman si sabik biglang manlalaki ang mata at mapapabasa. Tapos mapapansin ko na lang na kinikilig ako at parang may kumikiliti sa yagbols ko, tapos dun makikita ni ate na nakangiti na pala ako sa cellphone niya. Syempre patay malisya akong babalik sa mp3 player ko tapos makikinig naman sa hits ni Aiza Seguerra. Wag ka nga dyan, busy ako mag-emote dito.

9. Kapag sasakay sa mga 12-seater na van at sa malapit ka lang naman bababa, huwag kang uupo sa pinakalikod o sa hulihan. Malaking abala lang ang idudulot mo sa ibang pasahero dahil tiyak na papababain mo pa ang mga nasa unahan para lang makababa kang hinayupak ka. Ganun din naman kung sa malayo ka bababa, wag ka nang umeksenang na sa harap ka pa mauupo. Kahit unggoy na may lagnat alam ang lohikal na paliwanag sa etiketang ito. Gets?

10. Eto na yata ang pinaka-importante sa tingin ko. At para ito sa mga kalalakihan. Ilang beses ko na ring inulit-ulit dito sa blog ko ‘to: Kapag marami pang bakanteng upuan sa bus o sa jeep, ‘wag na ‘wag kang uupo sa tabi ng kapwa mo lalake. Please lang, parang awa niyo na. Minsan na lang ako makatabi ng chicks, at sa jeep at bus ko na lang nararanasan iyon. Hindi naman sa nagpapakamanyak ako pero ang tingin ko kasi sa upuan ng bus/jeep e parang tagpuan ng magsing-irog. Naniniwala kasi ako sa kantang Terminal ni Rupert Holmes. #kabaduyan2k12 Kaya kung lalake ka at nababasa mo ‘to, pwede bang maging gentlemen’s agreement na lang natin ang huwag tabihan ang isa’t-isa sa bus/jeep? At sa tingin ko meron lamang kaunting dahilan para magtabi ang lalake at isa pang lalake sa bus:

a. Puno na talaga ang bus/jeep, wala nang ibang bakanteng upuan kung hindi ang natirirang upuan sa tabi ng isa pang lalake

b. Sa likuran na lang ang bus ang maraming bakanteng upuan pero malapit ka lang naman bababa kaya’t sa medyo malapit ka na sa pintuan mauupo katabi ng isa pang lalake

c. Nakita mo ang kakilala o kaibigan mong lalake

d. Parehas kayong bakla

11. At panghuli, ugaliing maligo bago bumiyahe. Hindi naman bawal yun, makakabawas ka pa sa air pollution. Nakakadiring makatabi ng amoy pawis, anghit o pulubi sa loob ng jeep, lalo na sa mga de-aircon na sasakyan. Potek, isang beses may tumabi saken sa airconditioned bus, parang baliw yung babae e. Pagpasok pa lang niya ng pinto, amoy na amoy na yung kumapit na libag at natuyong tae sa katawan niya. Tapos sa akin pa tumabi, habang tanong nang tanong kung saan ako bababa at kung anong oras na. Idagdag mo pa ang katotohanang ang taba niya, so talagang nagitgit ako sa upuan at dumidikit yung braso niya sa braso ko. Shet, dun ko lang ninais na kahit lalake na lang katabi ko basta hindi mabantot. At saktong nahuli pa ng MMDA ang bus na yun kaya lalong tumagal ang biyahe ko. Pagbabang-pagbaba ko ng bus, kinuskos ko agad ang siko ko para alisin ang kumapit na amoy. Diyos na mahabagin.

Dear Xerex
Dear Xerex,

Sumulat po ako sa inyo upang ikwento ang aking karanasan at humingi ng sagot sa mga tanong na hindi ko kayang sagutin dulot ng karanasang ito. Pasensya na po at biglaan ang aking pagsulat, naisip ko lang po na gayahin ang isang blogger na palagiang sumusulat sa inyo, kaya’t nagkaroon po ako ng ideya na sa inyo na lang ibahagi ang aking kwento.

Itago niyo na lang po ako sa pangalang Rodrigo. Hindi naman po ako kagwapuhan pero may pakiramdam naman po ako na sa limang babaeng liligawan ko ay tatlo dun ang mapapasagot ko… online. Nagsimula po ang aking kwento noong nakilala ko ang babaeng pakamamahalin ko habang buhay.

Isang araw ng Abril, may bagong salta akong kaopisina na nakatabi ko ng workstation. Noong nakita ko po siya ay tumugtog sa utak ko ‘yung kanta ni Andrew E. na Mahal Kita.. (Pambababae ko ay kinalimutan ko na, mula pa noong unang araw na nakilala kita… pag-ibig! yeah!)

Naging madalas po ang aming pag-uusap at hindi naglaon ay napalagay po ang kalooban ko sa kanya. Masayahin po siyang babae, palaging nakangiti at panay ang tawa sa mga jokes ko, kahit corny. Hindi ko na po sasabihing kapangalan niya ang ex ko (kaka-break lang po namin noon), kaya naman nagtanong ako kay Papa God kung pinaglalaruan niya ba ang aking puso.

Marami rin pong pagkakatulad ang bago kong kaopisinang ito sa aking mga naging girlfriend. Ang pabango niya po ay gaya nung sa una kong gf, Rain cologne by Bambini(?) di po ako sure, mahilig din po siya sa pusa (gaya ng kapangalan niya), galing po siya sa  high school na pinanggalingan din ng ex-gf ko, at marami pa pong iba. Ang sabi ko po sa sarili ko, kung maiinlove ako sa kanya ay hindi dahil sa pagkakaparehas niya sa mga naging syota ko, kung hindi dahil sa pagkakaiba niya sa mga ‘yun, para swabe.

Simula po noon ay madalas na akong mangarap na sana nga ay siya na. Minsan, iniimagine kong nagde-date kami sa Luneta Park ‘pag Linggo. Magbabaon lang kami ng hopia, nilagang mais, at buko juice at kakainin namin ang mga iyon habang nakaupo kami sa nakalatag na banig. Kapag may pera ay kakain kami sa Jollibee, ‘yung 39ers lang po. Tapos manonood kami ng sine sa Recto, ‘yung dalawang pelikula sa isang  upuan. Magtatravel din kami, mula Payatas hanggang Manila Bay. Reregaluhan ko siya ng gumamela, santan flowers, at Hany (‘yung chocomani, may chocolate ka na may mani ka pa!). Gusto kong mabuo ang pagmamahalan namin sa mga simpleng bagay.

Ang problema lang po kuya Xerex ay meron na po siyang boypren. Noong nalaman ko nga po yun ay isang linggo po akong hindi nakautot nang matiwasay at iniwasan ko po ang panonood ng porn. Ang heavy po sa pakiramdam. Masakit. It hurts. It hurt.

Ibinuhos ko na lang po ang aking nararamdaman sa trabaho at pagsusulat. Kaya nga po nakagawa ng entry na ‘to. At noong hindi ko na matiis ang pagkimkim sa aking nararamdaman ay pinabasa ko po sa kanya ang aking akda, sa pag-asang maiintindihan niya ang nararamdaman ko. Pero laking dismaya ko po na hindi niya binasa ang aking sinulat at nagkibit-balikat lamang siya. It hurt again, kuya Xerex. Wala na pong sasakit pa sa isang nagsusulat sa kung paano balewalain ng inalayan ang inialay. Muli po ay umiwas muna ako sa panonood ng porn.

At alam niyo po kung anong pinakamasakit na biro ng tadhana? Nagkakatotoo po ang ending ng ‘Labstori‘ sa totoong buhay. Nabuntis po siya at tumira sa malayo kasama ng kanyang boypren at anak. Hindi ko nga po alam kung prophetic ang pagkakasulat ko o sadya bang may bahid ng pagka-fertility god ang dugo ko kaya’t lahat ng nakakarelasyon ko o babaeng napapalapit sa aking puso ay nabubuntis.

Simula po noong umalis siya ay hindi na po ulit kami nagkausap at hindi ko na nasabi ang aking tunay na nararamdaman. Siguro po ay ganun talaga ang nakaguhit sa aming mga palad. Kami’y mga tauhan lamang sa isang love story na binuo lamang ng aking imahinasyon at pagpapanggap.

Ngayon pong alam niyo na ang aking kwento, itatanong ko na po ang isang bagay na matagal nang bumabagabag sa akin. Bakit po ‘yung mga lalakeng nakakasabay ko sa bus o fx e tumatabi sa akin kahit sobrang luwag pa po ng sasakyan? Hindi po ba nila nararamdaman ang nararamdaman ko na gusto kong makatabi ng chicks sa byahe? Kung titingnan ko naman pong mabuti ay lalakeng-lalake naman ang dating ng mga tumatabi sa akin pero bakit gusto nila akong makatabi? Minsan po ay nababadtrip na talaga ako dahil aamin ko po, nakakarelax sa biyahe ang may katabing chicks. It makes me feel accepted and valued, hihihihi.

O sige po, hanggang dito na lang ang aking liham. Salamat po sa pagbabasa. TC. GB.

Lubos na gumagalang,

Rodrigo

Ang naaalala ko sa ulan
Noong paslit pa ako, ang naalala ko sa ulan

ay noong nagpunta kami ng nanay at mga kapatid ko sa probinsya.

Madalas daanan ng bagyo ang probinsya namin kaya ilang linggo ko ring naranasan ang pag-ulan doon.

Isang hapon, naligo kami ng kuya ko sa ulan.

May nakita s’yang tumumbang puno ng saging at doon siya nag-seesaw.

Kinabukasan, nangamatis ang ari niya at pinagamot ito ng lola ko sa albularyo.

Noong nasa elementarya ako, ang naaalala ko sa ulan

ay ang madalas na pagbuhos nito sa lugar namin sa Kabite.

Dahil puro palaisdaan at irasan doon, laging umaapaw ang tubig at nagkakaroon ng konting pagbaha.

Pagkatapos ng ulan, mamumulot kami ng mga kaibigan ko

ng mga lumulutang-lutang na plastik na laruan sa palaisdaan.

Marami akong nakukuhang tau-tauhan na kinokolekta ko.

Noong nasa high school na ako, ang naaalala ko sa ulan

ay ang pagpatak nito sa bubungan ng aming klasrum

habang hinihintay ko ang kanyang pagdating,

kasama ng panalangin na sana ay may dala siyang payong pagpasok.

Nag-aabang ako sa may tabi ng bintana at nagmamasid sa mga dumadating na estudyante.

Doon ko siya sasalubungin at mag-aalay ng panyo sa kanyang mahabang buhok.

Noong nasa kolehiyo na ako, ang naaalala ko sa ulan

ay ang araw na nag-iisa ako at nakatanaw sa mga dahon ng puno

na sumasalo sa mga patak ng daan-daang posibilidad na maaaring mangyari sa pagpili niya ng desisyon

kung magkakasama ba kami sa isang unibersidad.

Hindi pumayag ang nanay niyang mag-aral siya sa Maynila,

kaya mag-isa na lang akong nanood ng ulan.

Ngayon, ang naaalala ko sa ulan

ay ang pagkalimot kong magdala ng payong sa trabaho

at kung bakit nagkamali ng ulat panahon si Kuya Kim.

“The early bird catches the early worm”
Magandang umaga. Pakiramdam ko Byernes na ngayon, kahit Myerkules pa lang. Ang aga ko kasing pumasok kanina, 6:45am. Natuklasan ko na kung paano hindi ma-stress sa biyahe mula Cavite hanggag Taguig, at yun ay ang pumasok nang maaga. Iwas trapik at ang daming masasakyan. Yun lang, walang masyadong chicks na makakatabi sa dyip o sa bus, kung hindi mga constru, gaya nung dumadaan ako dati sa Alabang. Dito naman sa Cavite, mga nagtitinda ng isda ang kadalasang nakakatabi ko. Oks lang naman, may morning star pa rin ako sa mata habang nasa byahe.

Kaya ngayon maaga na ang schedule ko sa opis at mas maaga na akong makakauwi. Ang saya.

Minsan nga lang, kahit agahan ko ang pasok e tinatanghali pa rin ako ng dating sa opisina gawa ng nagkakahulihan ng kolorum na sasakyan sa may bandang Magallanes. Bakit ganun dito sa atin, sa halip na gumawa ng paraan para makatulong sa mga simpleng corporate slaves e lalo pang pinahihirapan ng kung anu-anong batas na hindi rin naman nasusunod nang buo?

Tangina lang. Yun na nga lang yung inaasahan kong masasakyan, huhulihin pa. Sabihin na nating hindi nga sumusunod sa batas yang mga kolorum na fx o van na yan pero bakit yung mga criminal, mga corrupt na tao, mga drug lords o yung ten times na mas masasama kay manong driver e hindi mahuli-huli ng batas natin?

Kaya nga hindi ko na itinuloy ang plano kong kumuha ng abogasya. Parang wala ring saysay.

Nakakaperwisyo yang mga patakaran na yan. Gaya na lang ng buhos system sa bandang Bacoor na naglilikha ng sobra-sobrang trapik. Walang kwenta. Sabi nga “Why fix if it ain’t broke?” Kupal lang.

Sa mas masayang balita, malapit na ang sweldo. Kinangina, isang buwan din ang hinintay ko bago ko maranasang magkamal ng salapi sa bagong trabaho ko. Isang napakaligayang karanasan na sa kabila ng pagtitiis e may biyayang naghihintay, makakabili na ako ng isang pack ng Magnum. Tingnan na lang natin kung sinong hindi ‘in’ ngayon, mga ‘possers’!

Yung mga tanong na nabubuo sa byahe talaga ang solusyon sa mapayapang mundo e
Ilang araw na rin akong nagpapatumpik-tumpik kung magba-blog ba ako o papalipasin ko na lang ang mga dumadaang araw at patuloy na mag-Noynoying. Sa totoo lang, hindi ako nakakapag-blog nang maayos ‘pag di ako komportable sa sitwasyon ko. Kumbaga, gusto ko relax na relax na ako habang nagsusulat ako.

Nag-a-adjust pa rin ako sa bago kong opisina. Hindi ko pa rin masabi kung blogger-friendly ba yung environment ko dun. Sa ngayon kasi, bawal pa akong magliwaliw sa mundo ng internet hanggat hindi pa nila ako napapakinabangang magdala ng pera sa kumpanya. In short, wala pa akong kwenta dahil training pa rin ako hanggang ngayon.

Ang pinakamahirap lang ngayon sa bago kong tinatahak na landas e ang byahe. Kinangina. Sobrang layo pala talaga ng Cavite sa Taguig. Patayan sa byahe. Noong mga una kong punta dun, hindi naman ako gaanong nahirapan, pero ngayong may iskedyul na ako at bawal na bawal ang ma-late, halos isumpa ko na yung McKinley Hill na yan. Dati rati kasi pag pumapasok ako papuntang Makati, isang FX lang ang byahe ko nasa opis na ako, samantalang itong papuntang Taguig e umaabot sa tatlo hanggang apat na sakay ang byahe ko. Depende yan kung wala talaga akong masakyan na bus o jeep papuntang Baclaran, tapos sasakay pa ulit ng bus papuntang Magallanes tapos sasakay pa ulit ng bus o fx papuntang McKinley. Parang mag-a-abroad lang ako sa byahe ko, daming stopover.

Minsan, ang ipinuputok ng butse ko e yung wala talaga akong masakyan dito sa bandang Bacoor. Halos lahat ng bus na galing ng Dasma, Tagaytay o ibang parte ng Cavite e punong-puno na. Bakit walang terminal ng bus dito sa Bacoor? E samantalang ang daming housing program na nagsulputan dito sa may bandang Imus, ibig sabihin mas marami nang tao. Idagdag pa ang natapos na Cavitex na yan kaya yung mga bus na galing Kawit e hindi na dumadaan ng Bacoor.

Naiisip ko tuloy na sumulat sa lokal na pamahalaan ng Bacoor para tugunan ang problema ng mga tao dito. Kaso baka isnabin lang ako ng mayor dito dahil hindi pa rin botante.

Ewan ko rin ah pero sa loob ng halos tatlong linggo kong pagpasok sa bago kong trabaho e wala pa akong nakakatabing magandang babae sa bus o fx man lang. Hindi ko alam kung dala ‘to ng kahabaan ko ng buhok kaya wala nang gustong tumabi saken. O sadya kayang isnabera ang mga babaeng nag-o-opisina sa Taguig. Sa Makati, maraming maganda. Sa Taguig mas maraming maganda pero karamihan isnabera. Eto pa lang ang paunang obserbasyon ko dito.

Pero hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng isang tanong na na-obserbahan ko mula nung naging commuter ako. Bakit kung sino pa yung walang hitsurang babae, yun pa yung conscious na conscious sa suot nila lalo na pag katabi ko sa upuan o pag bababa na ng sasakyan? Napansin ko lang, yung mga babaeng hindi naman ganun kagandahan, pilit na pilit ang paghila ng laylayan ng blouse pag bumababa para lang takpan yung sumisilip na garter ng panty nila. Tapos yung mga medyo nabiyayaan ng katabaan o kahit yung mga may edad (MIDLF – Moms I Don’t Like to Fuck) e panay ang takip sa cleavage nila, yung hinihila paitaas ang neckline ng blouse. Dyusmiyo, kala mo naman magkandaduling ako sa pagsilip sa suso nila. Sa kabilang banda naman, yung mga babaeng maganda, sexy, at makikinis, sila pa yung walang pakialam sa katawan nila. Na kahit mabosohan mo ang cleavage e walang pakialam. Bakit ganun? Bakit?

O siya, makapag-blog lang. Babalik na lang ako pag hindi na gaanong busy.

Veintiocho
28 years old na ako. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ako nagbente-uno. Pero ok lang naman, mukha pa rin naman akong bente kuwatro, kalabaw lang talaga ang tumatanda.

Sinubukan kong i-compute ang mga nagdaang taon at edad ko kung gaano ba kabilis o kabagal ang takbo ng career ko sa corporate world na pinili ko. Naaalala ko noon (noong nag-aaplay ako ng trabaho at tatlong buwan akong bakante dahil sa biglaan kong pag-resign sa una kong trabaho), may nakilala akong kasabayan mag-aplay, mga 29 years old na yata yung lalakeng yun, kamukha ni Jon Cabron. Tapos nagka-kwentuhan kami, nung nalaman nya na bente tres lang ako, sinabi nya saken na hindi na niya maaalala kung anong nangyari sa buhay niya sa loob ng dalawampu’t apat hanggang dalawampu’t walong taon niya. Bigla na lang lumipas ang panahon nang napakabilis at agad-agad siyang napag-iwanan ng kanyang mga pangarap. Mga pangarap na noo’y papahinog pa lang subalit hindi na rin nagkatotoo. Ilang taon siyang hindi nagtrabaho noon. Pagkatapos ng usapan naming yun, may inerekomenda pa syang kumpanya na aplayan ko raw dahil naghahanap ito ng mga writers. Natandaan ko yung pangalan ng kumpanya, at mga ilang taon matapos ang munting pag-uusap namin noon, aksidenteng nakapasok ako dun sa kumpanyang sinasabi niya.

Sinabi ko rin sa sarili ko na kailanman ay hindi ako matutulad sa lalaking yun na napag-iwanan ng kanyang panahon, na hindi ko sasayangin ang mga taong lilipas sa buhay ko para lang sa wala. Ngunit nagkamali ako, natulad din ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, basta parang lumipas na lamang yung ilang taon sa buhay ko na wala akong natutunan o napala man lang. Parang bulang naglaho lang yung mga lumipas na taon, at gaya niya, hindi ko na rin alam kung saan napunta yung mga edad kong yun, o may nagawa man lang ba akong sobrang maaalala ko pagtanda ko.

Ang naaala ko lang din dun sa munti naming usapan, nag-aaplay kami sa isang pipitsuging kumpanya sa Makati kung saan mag-eedit kami ng mga porn films. Ang saya sana kaso di ko tinanggap yung trabaho kasi natakot ako dun sa magiging amo ko na kano dahil habang iniinterbyu niya ako e natapat saken yung monitor ng pc niya tapos may nagkakangkangan na dalawang lalaki.

28 years old na ako pero pakiramdam ko wala pa rin akong nasisimulan at natututunan sa buhay. Hindi ko pa rin nakakamit talaga yung mga dapat na meron na ako ngayon sa edad ko. Siguro isang malaking bagay na humadlang saken para makuha yung mga yun ay dahil maraming opurtunidad akong pinalampas nung medyo bata pa ako. Nung nag-quit ako nun bilang Associate Trainer sa unang kumpanyang pinasukan ko. Marami rin sana akong lugar na mapupuntahan noon at iba’t-ibang lahi ng tao na makikilala pero pinakawalan ko lang yun. Nakakatuwang isipin na yung mga trainees ko noon e mas mataas na posisyon ang hawak nila ngayon kesa saken. Somehow, masarap isipin na naging parte ako ng pag-unlad ng mga taong yun. Ilang beses na rin akong inalok na maging Team Leader sa iba’t-ibang shit na pinasukan ko pero hindi ko rin pinatulan. Ayaw ko ng responsbility pansamantala. Na-trauma ako dahil na rin nung pinatalsik ako sa eskwelahan na pinagturuan ko. Ayun, yung mga batchmates ko lang yung nakakuha ng promotion. At ako, isang dakilang team member na handang umabsent kahit kelan ko gustuhin at walang ibang taong poproblemahin.

Nagsisisi ba ako sa mga nangyari? Aaminin ko na oo, dati naramdaman ko yun, lalo na yung mga panahong naghahagilap ako ng self-confidence o self-worth para sa sarili ko. Dahil na rin sa mga ganung pangyayari, halos lahat ng mga sumunod kong trabaho e hindi ko na binibigay ang isandaang porsyento ko. Nawalan ako ng gana. Bakit ko kailangang pagtuunan ng pansin ang trabaho kung alam ko namang hindi ito pangmatagalan o wala akong interes sa ginagawa ko. Yun na rin marahil ang nakita ng mga dati kong boss sa akin. Kaya nga yung iba, walang bilib sa mga ginagawa ko. Makikita niyo yung sa mga previous post ko tungkol sa trabaho bilang editor/writer.

Ngayong 28 years old na ako handa na akong harapin ang panibagong takbo ng career ko sa corporate world. Magsisimula na ako sa bago kong kumpanya na sa tingin ko ay handang ibigay ang mga kailangan ko mentally and financially. At tingin ko, mas magiging masaya na akong muling gamitin ang isandaang porsyento ng talento ko at sa abot ng aking makakaya. Isang simulang magbibigay sa akin ng panibagong self-confidence. Sana lang talaga kayanin ko ang mga hamon na ibabato saken ng bagong trabaho na yun. So help me Baby Jesas.

28 years old na ako, at ngayon ko lang naintindihan kung bakit masayang i-celebrate ang birthday. Dati kasi wala akong pakialam sa birthday at bakit kailangan pang pag-aksayahan na ipagdiwang yang mga ganyan. Ngayon, kasama ng pamilya ko at sampu ng mga taong mahahalaga saken, napakasarap pa lang marinig ang ‘happy birthday to you’ habang kumakain ng simpleng spaghetti at cake. Na sa kabila nga kabi-kabilang sakit na nararamdaman mo sa katawan, sa hirap na ibinigay ng nagdaang taon, sa mga nangyayari sa lipunan at sa buong mundo, sa lungkot at ligaya na ibinahagi sa iyo ng buhay, masayang isipin at gunitain na naka-survive ka na naman ng isang taon sa buhay mo. At laging andyan lang mga taong nagmamahal sa iyo na handang alayan ka ng ngiti at pagmamahal sa umaga, at pagdating ng gabi lagi silang nakaabang sa iyong pagdating na may handog na yakap at halik. Masarap mabuhay, dahil alam mong maiksi lang ito pero masaya at makubuluhan dahil meron ka ring pinag-aalayan.

28 years old na ako at ilang taon na lang ay wala na ako sa kalendaryo. Pero bago pa man dumating ang panahon na yun, sisikapin kong abutin at gawin ang mga bagay na ninanais ko para sa akin at para sa aking pamilya. Alam kong sa simula ang napakahirap na yugto ng bagong karera na tatahakin ko, pero tingin ko kakayanin ko naman. Handa na ako.

And a torrent of random ideas flowed through the great mind of a not-so-old/bored man
Eksaktong 2:22 ngayon ng umaga, ika-13 ng Pebrero dalawang libo’t labindalawang taon. Gising pa ako. Nagising ako bigla at di na ulit makabalik sa pagtulog. Hindi ko alam kung bakit tuwing nagigising ako ng madaling araw e tsaka naman pinupuno ng kung anu-anong naiisip ko ang utak ko. Kaya nga heto, iba-blog ko na lang. Ang hirap kasi sa taong katulad ko, pag nagising nang wala sa oras, pahirapan talagang gapangin ulit ng antok.

Isusulat ko na lang kung anong mga naiisip ko sa oras na ito, tutal 85% yata ng naiisip ko e i-blog ko ‘tong mga shit na ‘to.

Malapit na palang mag-isang taon ‘tong datkom ko na ‘to at kailangan ko nang mag-renew.

Sabi nila pag hindi ka raw makatulog e may isang taong nag-iisip sa’yo. Kung sino man ang taong nakakakilala saken at nagbabasa nito ngayon, kung gising ka ng alas dos ng umaga ng Feb 13 at iniisip mo ako, hayop ka. Magpatulog ka naman.

Bukas na pala ang Valentine’s Day. Gastos lang yung shit na yun.

Malapit na akong umalis sa pinapasukan kong trabaho ngayon at makakalipat na ako sa mas magandang trabaho sa darating na buwan.

Kailangan ko palang gumising nang maaga mamaya dahil may 12 hours akong undertime, na kailangan kong bawiin hanggang Miyerkules.

Nakakatamad nang pumasok.

Iniisip ko yung short fiction na gusto kong isulat. Tungkol sa pag-ibig na naman.

Wala akong kakayahang mag-ipon ng mga kaibigan. May mga taong sobrang ka-close ko noon na hindi na ako pinapansin ngayon. Ganun yata talaga ang batas ng pagkakaibigan sa mundo. Minsan, kung sino pa yung kumuha sayong ninong sa binyag ng anak nila, yun pa yung hindi mo na makakausap o papansin sayo sa paglipas ng panahon.

May mga dinelete ako sa Facebook na wala akong pakialam.

Kung babawasan ko siguro sa sampu ang followers ko sa twitter e sisipagin akong mag-tweet.

Nakalimutan ko na yung ibang naiisip ko kanina nung nakahiga ako.

Malapit na pala yung kaarawan ko, 28 maderpaking years old na ako next next week.

Napakabilis ng internet ng globe pag madaling araw.

Ang sarap sana magsaltik kaso kakatapos ko lang.

Manonood na lang ako ng mga nakakaiyak na videos sa youtube hanggang sa makatulog ako sa lungkot.

#End of random spam

Ang mundo ng Internet sa paningin ng isang mababang uring kagaya ko na uhaw sa kaalaman at katatawanan
Ilang beses ko na ring na-i-share sa iba’t-ibang accounts ko dito sa internet ang sentimyente kong ito. At maka-ilang ulit ko na ring pinagduldulan ang punto ko sa lahat ng sulok ng internet na ginagalawan ko. Ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na ilahad dito sa blog ko ang gustong-gusto kong sabihin noon pa. Mula pa nung sinita ako ng boss ko sa nakita nyang ginuhit kong rage comic sa post-it note na nakadikit sa gilid ng monitor ko.

Napa-FFFFUUUUUU rin ako dahil sa comment ng boss ko nung napansin nya ‘yan. Eto ang kanyang exact words: “May mahilig sa 9gag dito ah.” Sabay turo sa post-it note. Nakanampu. Buti na lang napigilan ko ang sarili kong mag-ala-ragetoon talaga.

Seriously? 9gag?! Huwatdaef? Hindi naman sa nagmamalinis ako o nagpapahipokrito dahil aaminin kong fina-follow ko ang tumblr ng 9gag. Pero matagal ko na silang fina-follow, simula pa noong bago pa lang ako sa tumblr. At yun ay noong di ko pa nalalaman na yung mga posts nila ay galing lang din sa ibang sites sa internet, lalong-lalo na sa Reddit. Simula noong nalaman ko ang mga repost na pinaggagawa nila ay hindi na ako pumupunta sa mismong website nila. At simula noong nakita ko ang mga content nila na pino-post sa facebook ng kung sino-sinong adik.

Ok, ganito na lang, meron akong mga sasabihing dahilan kung bakit ayoko sa 9gag at bidang-bida pa rin sa akin ang reddit. Game.

1. Ang 9gag ang huling tao sa chain ng human centipede. Bakit? Dahil tanggapin na natin na halos lahat ng nakikita natin sa reddit at 9gag ay kadalasang nanggagaling sa 4chan. Ganito lang ‘yan, unang lalabas sa 4chan ang mga nakakatawang post, sunod sa reddit, at pinakahuli sa 9gag. Wala pa akong nakikitang post na mauunang lalabas sa 9gag tapos lalabas sa reddit o 4chan. Laging huli ang 9gag.

2. Mas interactive at kapupulutan ng maraming aral ang reddit kesa sa 9gag. Sa 9gag, makikita mo lang at matatawa ka sa mga memes at kung anu-anong shit, pagkatapos nun wala na. Sa reddit, maaari kang mag-comment sa isang meme, tapos pwede ring mag-share ng iba’t-ibang links related sa meme (kasama na ang source, author o OP ng post, mga related na sites tungkol sa meme at kung anu-ano pang shit). Mas mahaba ang discussion, mas marami kang matututunan kesa sa matawa lang.

3. Maraming subreddit na pwedeng puntahan sa reddit. Magmula sa politics, gaming, cats, TIL, atheism, technology, gundam hanggang sa /r/gonewild, marami kang mabibisita. Hindi lang ako natawa sa mga posts sa reddit, may mga times na naiyak rin ako sa mga discussion nila. True story.

4. May originality ang reddit at ang 9gag is nothing but a trying hard copycat. (Click the picture for better understanding.)

5. Isang bagay na natutunan ko sa internet, kapag nagpo-post ka ng isang bagay na hindi naman talaga ikaw ang may gawa ay wag mo dapat angkinin. Ok na yung hindi mo i-acknowledge yung OP (Original Poster) pero kabastusan na yung lalagyan mo pa ng watermark mo ang gawa ng ibang tao. Doon maraming naaasar sa 9gag, yung paglalagay nila ng watermark sa lahat ng images na makikita sa site nila at aakalain ng lahat na sa 9gag talaga nagmumula ang mga memes at lahat na nakakatawang shit na pino-post sa facebook ng mga 9gaggers (lols).

6. Parang pornsite ang tunog ng 9gag, samantalang sa reddit ay tunog read it. I’ve read it on reddit. See what I did there?

At bago ko tapusin ang post na ito, gusto kong sabihin na wala naman talaga sa kung sino ang nauna at kung saang website unang lumabas ang meme, ang mahalaga hindi mo ipinagyayabang na mas nauna ka. E ano naman ngayon kung una mong nakita ang isang meme tapos may isang nagrepost sa facebook ilang buwan matapos mong pagsawaang tawanan yun? Ang importante dito hindi mo inaangkin ang gawa ng iba at nagmamayabang kang ikaw ang hari ng internet, at ikaw ang pinakanakakatawang website sa balat ng reposting sites. Dahil sa totoong mundo, walang pakialam ang tunay na tao kung tumblr famous ka, sikat ang blog mo, suki ka ng most friendly award, most lovable blog award, super-famous blog award at kung anu-anong award chenes na pinapauso ng kabataan at mga gustong magpauso, o marami kang followers sa lahat ng accounts na ginawa mo dito. Tumatae at mamamatay ka rin.

Alam niyo kung anong mas magandang gawin? Magsaliksik sa mundo ng internet, dagdagan ang kaalaman sa iba-ibang sites na mapupuntahan mo, makialam at baka may maitulong ka pa sa pagsugpo ng SOPA/PIPA/ACTA at kung anong mabuting bagay na pwede mong gawin habang naka-login ka. Pero  isa lang akong walang kwentang blogger na pumupuno ng katiting na espasyo ng internet, kaya wala rin akong pakialam kung kakalimutan mo ‘to.

Dagdag na basahin:

Reddit

Know your meme

9gag/wiki