Walang ibang ingay na maririnig kundi ang pagtipa ko sa keyboard at pag-ugong ng makina ng aircon sa opisina. Marahan kong nilagok ang tubig sa tumbler na kanina pa naghihintay na mainom. Mag-a-alas syete na ng gabi pero nandito pa rin ako at nagtatrabaho. Mangilan-ngilan na lang ang empleyado at sa tansya ko e ako na lang ang natitira sa aming grupo.
Biglang may kumalabit sa aking likod. Pag lingon ko, isang matamis na ngiti ang isinukli sa akin ng babaeng salarin. Para akong tumakbo sa parang na merong double rainbow at sampung unicorn na naglalandian sa berdeng damuhan. Sya pala. Akala ko kung sino nang karakter sa asian horror movies. Gumulong ng ten feet ang betlogs ko nung inalok nya akong kumain muna sa labas bago tuluyang tapusin ang trabaho at umuwi.
“Hindi nga? Niyayaya mo akong kumain? Libre mo?”
“Hindi ah. Hindi ko libre, kapal ng mukha mo.”
“Biro lang e. San tayo kakain?”
“Ikaw. Ano ba gusto mo?”
“Ikaw! I mean, ikaw bahala ka.”
“Gago. Umayos ka nga. Parang gusto ko ng pasta.”
“Pasta? San ba merong malapit na ganun?”
“Sa TOSH.”
“Ano yun?”
“Sa the old spaghetti house.”
“Ayoko dun.”
“Bakit?”
“Eh luma na spaghetti dun e. Tamo, old spaghetti.”
“Hacheche! Para ka talagang tanga. Tara, kain na tayo.”
“Tara na nga.” (I love you… bulong ko)
Kapag ngumingiti sya saken habang kinakausap ako, hinuhuli ko ang nag-iisang biloy sa kanyang pisngi. Parang mailap na alitaptap kasi ito na paminsan-minsan mo lang makikita sa dilim ng gabi. Hindi ko matiis na hindi sya titigan nang higit sa sampung segundo. Kung maaari lang, kung papayagan nya lang ako at lahat ng kontrabida sa buhay ko, kaya kong titigan ang mukha nya ng buong araw. Kung pwede lang.
“Anong gusto mong kainin?”
“Ikaw…
(awkward silence)
…ikaw. Hmmmmm.. Ano ba sa’yo?”
“Gusto ko ng pesto.”
Gusto ko ikaw. “Gusto ko ng red spag.”
“Drink mo?”
Juice mo. “Gusto ko ng buko juice.”
“Wala sila nun dito.”
E di juice mo na nga lang. “Sige, water na lang.”
Kapag kumakain sya sa harap ko, ginaganahan din akong kumain. Sa mundong ‘to, bihira ka lang makakakilala ng mga taong masarap kasalo kumain. Yung tipong kahit hindi ka gutom e mapapakain ka dahil masarap kumain yung kasama mo. Parang ang gana gana. Kahit piniritong galunggong lang yung kinakain nyo tapos isawsaw pa nya yun sa toyo na dinikdikan ng sili at pinigaan ng kalamansi, mapapakain ka talaga sabay subo ng mainit-init na kanin. Isa sya sa mga taong ganun. Masarap kasalo.
“Kumusta na nga pala kayo ng gf mo?”
Eto, kasabay ko sya kumain ngayon ng pasta at tinatanong kung kumusta na sya. “Huh?! Sinong gf? Wala akong gf no.”
“Wala daw. E sino yung kasama mo dun sa profile pic mo sa facebook?”
“Sus, wala yun. Friend ko lang yun. Nakita mo bang In a relationship ako sa facebook? Sus ka.”
“Kunwari ka pa. Kahit naman di mo ilagay yun, hindi naman ibig sabihin na wala kang girlfriend.”
E bakit mo tinatanong? Gusto mong mag-aplay no? “Wag kang maniniwala sa lahat ng nakikita mo sa net. Wag mong seryosohin lahat nang nababasa mo dun.”
(itutuloy…)
15 Comments
isa talaga sa nakakabwisit sa landian e yung tanungan kung ano ang gustong kainin at saan kakain. nakakabawas ng 1% na kilig pag limang ulit kayong nagsagutan ng “ikaw..” at kulang na lang magkaron na ng tono.
)
andami kong sinabi. at tsaka nga pala magkakasundo tayo. ang korni mo e. at saka baduy na din. hahaha!
lam mo ate jojie, kinikilig ako pag tinatanong ako at laging “ikaw” ang isasagot ko. hihihi. pwera na lang pag barkada ang nagtanong nyan saken.
lagi naman tayong magkasundo e, para ka rin si ate chona porsyur. mga thundercats. lol. biro lang.
oe kung tinatampal kita diyan? hahaha! oi! parang wine ‘to no – mahal. :p
ang landeeee mo! in the bag na yan! hehehe
hmmmm.. fiction lang po yan. di ako yung protagonist.
malandi ka!! malandi!!! lol
)
bitin naman! pfft
ayz, hindi ako yan. imbento lang yan.
abangan mo yung susunod. three parts yan, parang yung a fairytale.
sus! landiin na ‘yan at nang matikman mo na ang juice. ang buko juice, i mean. XD
inedit ko yung comment mo. gagsi ka, kaya nga naka-password protected yun e. ibig sabihin di pwedeng ikalat dito. hahahah. wangbu ka. bakit di ko magawang magalit sayo? bibigyan mo rin ba ako ng jacket? LOL
nakalimutan kong lagyan ng category, ngayon may fiction na. :p
Fiction inspired by true events.
i’m sorry pero hindi ‘to totoong nangyari. hmmmm.. sabihin na lang natin na ito yung gusto kong mangyari pero nangyari talaga at hindi iisang babae lang ang tinutukoy ko. ganun naman ako lagi magsulat, hindi partikular sa isang tao lang.
baket naman itutuloy pa? hindi pa isulat ng buo e. bitin tuloy. naalala ko tuloy si chili (dobo) sa post mo. kse kinikilig ako sa storya nila ni maria e. kaso, wala ring ending.
ay, gusto ko yung mga ganitong posts mo. ;p
thundercats pala ha. tseh! (salamat naman at hindi cougar ang tawag mo saken, hahaha)
sabi sayo bigyan mo ko ng laptop e, tapos yan ng isang upuan. hahahahaha
yung kay chilli, totoo yun, eto imbento lang. :p
hindi ka naman cougar kasi wala ka naman yatang naakit na mas bata sayo. BWAHAHAHAHAHA. (ok, sorry sa pagtawa nang malakas.)
ahahahahahahaha. eh mas bata kaya yung asawa ko saken. bwahahaha. okei na ko sa thundercats wag mo na baguhin, tatamaan ka saken. hehe.
errrr..kilig to da bowns