this site is all about love…

And a torrent of random ideas flowed through the great mind of a not-so-old/bored man

by Jeck

Eksaktong 2:22 ngayon ng umaga, ika-13 ng Pebrero dalawang libo’t labindalawang taon. Gising pa ako. Nagising ako bigla at di na ulit makabalik sa pagtulog. Hindi ko alam kung bakit tuwing nagigising ako ng madaling araw e tsaka naman pinupuno ng kung anu-anong naiisip ko ang utak ko. Kaya nga heto, iba-blog ko na lang. Ang hirap kasi sa taong katulad ko, pag nagising nang wala sa oras, pahirapan talagang gapangin ulit ng antok.

Isusulat ko na lang kung anong mga naiisip ko sa oras na ito, tutal 85% yata ng naiisip ko e i-blog ko ‘tong mga shit na ‘to.

Malapit na palang mag-isang taon ‘tong datkom ko na ‘to at kailangan ko nang mag-renew.

Sabi nila pag hindi ka raw makatulog e may isang taong nag-iisip sa’yo. Kung sino man ang taong nakakakilala saken at nagbabasa nito ngayon, kung gising ka ng alas dos ng umaga ng Feb 13 at iniisip mo ako, hayop ka. Magpatulog ka naman.

Bukas na pala ang Valentine’s Day. Gastos lang yung shit na yun.

Malapit na akong umalis sa pinapasukan kong trabaho ngayon at makakalipat na ako sa mas magandang trabaho sa darating na buwan.

Kailangan ko palang gumising nang maaga mamaya dahil may 12 hours akong undertime, na kailangan kong bawiin hanggang Miyerkules.

Nakakatamad nang pumasok.

Iniisip ko yung short fiction na gusto kong isulat. Tungkol sa pag-ibig na naman.

Wala akong kakayahang mag-ipon ng mga kaibigan. May mga taong sobrang ka-close ko noon na hindi na ako pinapansin ngayon. Ganun yata talaga ang batas ng pagkakaibigan sa mundo. Minsan, kung sino pa yung kumuha sayong ninong sa binyag ng anak nila, yun pa yung hindi mo na makakausap o papansin sayo sa paglipas ng panahon.

May mga dinelete ako sa Facebook na wala akong pakialam.

Kung babawasan ko siguro sa sampu ang followers ko sa twitter e sisipagin akong mag-tweet.

Nakalimutan ko na yung ibang naiisip ko kanina nung nakahiga ako.

Malapit na pala yung kaarawan ko, 28 maderpaking years old na ako next next week.

Napakabilis ng internet ng globe pag madaling araw.

Ang sarap sana magsaltik kaso kakatapos ko lang.

Manonood na lang ako ng mga nakakaiyak na videos sa youtube hanggang sa makatulog ako sa lungkot.

#End of random spam


Ang mundo ng Internet sa paningin ng isang mababang uring kagaya ko na uhaw sa kaalaman at katatawanan

by Jeck

Ilang beses ko na ring na-i-share sa iba’t-ibang accounts ko dito sa internet ang sentimyente kong ito. At maka-ilang ulit ko na ring pinagduldulan ang punto ko sa lahat ng sulok ng internet na ginagalawan ko. Ngayon lang ako magkakaroon ng pagkakataon na ilahad dito sa blog ko ang gustong-gusto kong sabihin noon pa. Mula pa nung sinita ako ng boss ko sa nakita nyang ginuhit kong rage comic sa post-it note na nakadikit sa gilid ng monitor ko.

Napa-FFFFUUUUUU rin ako dahil sa comment ng boss ko nung napansin nya ‘yan. Eto ang kanyang exact words: “May mahilig sa 9gag dito ah.” Sabay turo sa post-it note. Nakanampu. Buti na lang napigilan ko ang sarili kong mag-ala-ragetoon talaga.

Seriously? 9gag?! Huwatdaef? Hindi naman sa nagmamalinis ako o nagpapahipokrito dahil aaminin kong fina-follow ko ang tumblr ng 9gag. Pero matagal ko na silang fina-follow, simula pa noong bago pa lang ako sa tumblr. At yun ay noong di ko pa nalalaman na yung mga posts nila ay galing lang din sa ibang sites sa internet, lalong-lalo na sa Reddit. Simula noong nalaman ko ang mga repost na pinaggagawa nila ay hindi na ako pumupunta sa mismong website nila. At simula noong nakita ko ang mga content nila na pino-post sa facebook ng kung sino-sinong adik.

Ok, ganito na lang, meron akong mga sasabihing dahilan kung bakit ayoko sa 9gag at bidang-bida pa rin sa akin ang reddit. Game.

1. Ang 9gag ang huling tao sa chain ng human centipede. Bakit? Dahil tanggapin na natin na halos lahat ng nakikita natin sa reddit at 9gag ay kadalasang nanggagaling sa 4chan. Ganito lang ‘yan, unang lalabas sa 4chan ang mga nakakatawang post, sunod sa reddit, at pinakahuli sa 9gag. Wala pa akong nakikitang post na mauunang lalabas sa 9gag tapos lalabas sa reddit o 4chan. Laging huli ang 9gag.

2. Mas interactive at kapupulutan ng maraming aral ang reddit kesa sa 9gag. Sa 9gag, makikita mo lang at matatawa ka sa mga memes at kung anu-anong shit, pagkatapos nun wala na. Sa reddit, maaari kang mag-comment sa isang meme, tapos pwede ring mag-share ng iba’t-ibang links related sa meme (kasama na ang source, author o OP ng post, mga related na sites tungkol sa meme at kung anu-ano pang shit). Mas mahaba ang discussion, mas marami kang matututunan kesa sa matawa lang.

3. Maraming subreddit na pwedeng puntahan sa reddit. Magmula sa politics, gaming, cats, TIL, atheism, technology, gundam hanggang sa /r/gonewild, marami kang mabibisita. Hindi lang ako natawa sa mga posts sa reddit, may mga times na naiyak rin ako sa mga discussion nila. True story.

4. May originality ang reddit at ang 9gag is nothing but a trying hard copycat. (Click the picture for better understanding.)

5. Isang bagay na natutunan ko sa internet, kapag nagpo-post ka ng isang bagay na hindi naman talaga ikaw ang may gawa ay wag mo dapat angkinin. Ok na yung hindi mo i-acknowledge yung OP (Original Poster) pero kabastusan na yung lalagyan mo pa ng watermark mo ang gawa ng ibang tao. Doon maraming naaasar sa 9gag, yung paglalagay nila ng watermark sa lahat ng images na makikita sa site nila at aakalain ng lahat na sa 9gag talaga nagmumula ang mga memes at lahat na nakakatawang shit na pino-post sa facebook ng mga 9gaggers (lols).

6. Parang pornsite ang tunog ng 9gag, samantalang sa reddit ay tunog read it. I’ve read it on reddit. See what I did there?

At bago ko tapusin ang post na ito, gusto kong sabihin na wala naman talaga sa kung sino ang nauna at kung saang website unang lumabas ang meme, ang mahalaga hindi mo ipinagyayabang na mas nauna ka. E ano naman ngayon kung una mong nakita ang isang meme tapos may isang nagrepost sa facebook ilang buwan matapos mong pagsawaang tawanan yun? Ang importante dito hindi mo inaangkin ang gawa ng iba at nagmamayabang kang ikaw ang hari ng internet, at ikaw ang pinakanakakatawang website sa balat ng reposting sites. Dahil sa totoong mundo, walang pakialam ang tunay na tao kung tumblr famous ka, sikat ang blog mo, suki ka ng most friendly award, most lovable blog award, super-famous blog award at kung anu-anong award chenes na pinapauso ng kabataan at mga gustong magpauso, o marami kang followers sa lahat ng accounts na ginawa mo dito. Tumatae at mamamatay ka rin.

Alam niyo kung anong mas magandang gawin? Magsaliksik sa mundo ng internet, dagdagan ang kaalaman sa iba-ibang sites na mapupuntahan mo, makialam at baka may maitulong ka pa sa pagsugpo ng SOPA/PIPA/ACTA at kung anong mabuting bagay na pwede mong gawin habang naka-login ka. Pero  isa lang akong walang kwentang blogger na pumupuno ng katiting na espasyo ng internet, kaya wala rin akong pakialam kung kakalimutan mo ‘to.

Dagdag na basahin:

Reddit

Know your meme

9gag/wiki


Si Shaider may Annie, si Pepeng Agimat may pepe

by Jeck

Noong nakaraang araw ay may nakita akong interesanteng site na nirekomenda saken ng isang butihing kaibigan. At dahil isang akong Psychology gaya ni Marian Rivera e nakuha agad ng kakaibang therapy na ito ang atensyon ko. Nude therapy? Nakanang. Kakaiba talaga. Sana sumikat ‘to tapos magkaroon din dito sa Pinas o ibang parte ng Asia. Magpapa-therapy talaga ako ‘pag chinita ang haharap saken. hihi

At bago niyo husgahan ang pagkatao ko, dear readers, ay nais ko munang palawigin ang punto ko. Siguro nga epektibo ang paraan ng naked therapy dahil nagkakaroon ng malalim na kapalagayan ng loob ang pasyente sa therapist. May nabasa akong article dati sa internet na nagdudulot ng anxiety sa isang lalake ‘pag napapalapit sya sa magandang babae. Dala siguro ito ng pressure na kailangan niyang i-please ang isang babae at siguro dahil naiisip din ng lalake na kahit kelan ay hindi sya magugustuhan ng magandang binibini. Kaya tuloy puro inhibitions at repressed emotions ang lumilibing ng buhay sa lahat ng naiisip at nararamdaman ng mga lalake. Etong naked therapy marahil ang magbibigay ng daan sa nawasak na tulay na kumokonekta sa conscious/sub-conscious ng mga lalake sa kabaligtarang kantutan. Opposite sex. Duh?!

Matagal ko na ring tinatanong ang sarili ko na bakit ang bansang Japan na kilala bilang lahi ng mga bastos magmula sa hentai hanggang sa kung anu-anong kalaswaan na makikita sa mga vendo machine nila e patuloy na umuunlad ang kanilang ekonomiya. Kahit ilang lindol at tsunami ang danasin ng kanilang bansa ay patuloy pa rin ang kanilang pagyabong kasabay ng mga nagkalat na J-porn sa lahat ng sulok ng internet. May kinalaman ba ang pagiging malibog ng isang lahi sa pag-unlad ng bansa nito?

Nag-research ako, dear readers, dahil wala akong magawa at interesado talaga ako sa kultura ng Japan. May 78.3698 1/5% kasi akong paniniwala (kung totoo man ang past life) na Hapon ako sa aking nakaraang buhay. Kung hindi Samurai baka sundalong Hapon ako na namatay dito sa Pilipinas dahil nakagat ako ng asong may rabies. At base sa aking mga nabasa, masyadoong magulong intindihin ang sekswalidad o pananaw ng mga Hapon sa sex, iyon ay kung ikaw ay labas sa kanilang kultura. Ngunit kung kabilang ka sa kanila ay maiintindihan mo ito kahit na magulong-magulo ito sa mata ng ibang lahi. Dahil sa dami ng pinaniniwalaang relihiyon, kasaysayan ng bansang Japan, at impluwensya  galing sa labas ay nagkaroon ng dalawang pamantayan o moralidad na sinusunod ang mga Hapones. Sabi sa nabasa ko, hindi mo raw makikitang naglalandian sa kalye ang mag-syotang Japanese pero lantaran ang display ng pornography kahit saan.

Dual standards. Kumbaga bawal maghalikan at maglingkisan sa public pero paghawak mo sa handle bars ng bus hugis tite naman yung bakal. Tapos paglingon mo sa magazine stands puro mga Haponesang nakabukaka at labas ang clitoris at laman loob na parang nginuyang tocino ang makikita mo. Astig. Ganun sila ka-profound. Ganun sila ka-strict pero ganun sila ka-all the way. (Edit: May batas sa Japan na bawal ipakita ng genitals ng mga porn stars, kaya pala pixelated ang fifi ni Maria Ozawa. Swertihan ‘pag may napanood kang kita ang tocino.)

Siguro ‘pag dun ako nagtrabaho, buo lagi ang araw ko. Makakita lang ako ng babaeng maputi at kita ang legs, masaya na ako. At magiging productive ako sa trabaho. Magagawa ko lahat ng kailangan kong tapusin. Dahil sa totoo lang, mas nakakapag-isip ako nang maluwag kapag ‘nakakaraos‘ ako. Iyon na rin marahil ang ugat ng pagiging malikhain ng mga Hapon, dahil hinahayaan nilang ilabas ang kanilang inhibitions, mas nakakapag-isip at mas nakakapagtrabaho sila nang mabuti. Pero isa lang itong bahagi ng kaisipan at kultura nila na bumubuo sa totoong psyche ng pagka-Hapon nila.

Sa tingin ko, mas malaya ang isipan o sikolohikal na aspekto ng isang tao kung hahayaan nating ibahagi o pakawalan ang ating mga nararamdaman. Sa paraan na dapat ay kontrolado at angkop pa rin sa makataong pananaw. Ang mahalaga ay wala kang sinasaktan o nasasagasaang tao. Basta’t nagagawa mo ang dapat mong gawin ng walang kompromiso, walang dapat na pumigil sa iyo lalo na kung ang kahihinatnan nito ay ang pagtuklas sa sarili mong kakayahan patungo sa pag-unlad. Ang lagi ko ngang sinasabi: Iba ang malibog sa manyak.

Author’s note: Huwag masyadong seryosohin ang post na ‘to. Ito’y dala lamang ng pagkabagot at pagkauhaw sa kaalaman. Ito’y opinyon lamang ng author at hindi kailanman sinabing tama o mali.

Dagdag na basahin:

Japan Sexology

Japanese Mores


Mga bagay na natutunan ko sa taong 2011

by Jeck
  • Mag-blog sa datkom ng dalawa o isang post sa loob ng isang buwan.
  • Magsulat ng shitty love story na nagkakatotoo (pwera lang yung kasal).
  • Mag-collect at mag-build ng gunpla.
  • Makigulo sa Tumblr.
  • Mag-delete ng account sa Twitter tapos gumawa ulit na parang tanga.
  • Magbasa ng maraming libro sa loob ng isang buwan.
  • Magbayad buwan-buwan ng hinuhulugang laptop (fully-paid na ako ngayong Enero. yipeee!)
  • Kumain mag-isa most of the time sa opis.
  • Maging isang ama sa dalawang taong gulang kong baby angel. lols
  • Magtrabaho.
  • Magtiis sa pang-aalipusta ng mga prayle.
  • Kumain ng kamote dahil sa hirap ng buhay.
  • Magsinungaling, gumawa ng jokes o mag-troll sa internet.
  • Nag-aral maggitara (ulit), gumuhit, at kumuha ng litrato (photo hobbyist wannabe).
  • Bumiyahe mula Cavite hanggang Makati na pa-iba-iba ang transport service na sinasakyan.
  • Makadiskubre ng magagandang sites na mapapag-downloadan ng mga art film (e.g. “Ready ka na? Isasagad ko na: The Untold Story of Teteng Banabas”)
  • Makapagsaya sa biglaang SL sa opis (Instang Long Weekend na rin).
  • Magbigay ng kadalasang rason ng SL (LBM – Looking for Better Management at UTI – Undergoing Test and Interview).
  • Lumuha.
  • Lumuha dahil sa libro.
  • Lumuha dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig.
  • Lumuha dahil sa pamamaga ng pigsa sa hita.
  • Lumuha dahil naubusan ng ulam sa bahay.
  • Tumawa.
  • Tumawa dahil sa nakakatawang nabasa.
  • Tumawa dahil wala lang.
  • Umibig. (nuks!)
  • Mag-budget ng salapi (pero hindi pa rin makapag-budget nang maayos).
  • Lalong gumwapo.
  • Mas masarap ang CB4 ng Chic-Boy Makati kesa sa Chic-Boy Bacoor.
  • May magandang cashier sa Chic-Boy Bacoor na kamukha ni Maja Salvador, medyo chubby lang.

Eto na lang muna, dadagdagan ko pa sa mga susunod na araw pag may naisip ulit ako.


Bagong Taon, Bagong Mamon

by Jeck

Sa wakas at naayos na ulit ang blog ko. Ilang araw din nag-down ang Mamon Blog dahil sa kabulastugang ginawa ko noong isang gabi. Kung kelan sinipag akong mag-update ng theme e tsaka naman napurnada. lols. Hindi ko alam kung may kinalaman ang ginamit kong theme doon sa lumubog na Costa Concordia dahil Costa 1 ang ini-install ko noong gabing ‘yon.

Salamat na lang sa butihin kong host na handang tumulong sa oras ng aking pangangailangan. :)

At eto na nga, magsisimula akong mag-blog para sa taong ito. Kung mapapansin niyo, binago ko na rin ang layout para magmukhang fresh naman ang etong inaamag na Mamon Blog. Bakit purple perrywinkle? Wala lang, trip lang. Tsaka ganyan kasi ang gusto kong kulay ng kwarto ko para maalwan sa mata. lols. Mga ilang araw lang yan ganyan. Pagbigyan niyo na ako, dear readers.

Minsan naitanong ko na rin sa sarili ko kung bakit patuloy pa rin akong nagba-blog. Marami akong sagot na pwedeng sabihin pero wala rin namang saysay kung iisa-isahin ko pa. Basta, enjoy lang at patuloy lang sa pagsulat ng kung anu-anong shit. Kung mapapansin niyo, dear readers, nag-umpisa na ulit akong mag-blog ng flash fiction. Eto talaga muna ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Ang makagawa ng ganitong uri ng mga kwento. Pwede ko ring sabihin na gagawin kong training ground ang blog na ito dahil hindi pa naman ito mga opisyal na akda ko bilang isang manunulat. Katuwaan lang kumbaga. Kaya’t mapapansin ninyo, lalo na yung mga sanay nang magsulat,na hilaw pa o wala pang kwenta ang mga kwentong naiilimbag ko dito.

Kung matagal na rin kayong nagbabasa, dear readers, dito malalaman niyong matagal na rin akong sumubok magsulat ng mahahabang kwento. Kung mapapansin ninyo ang isang entry ko na  A Fairy Tale e nahati ito sa tatlong parte, na kung pagsasama-samahin sa isang post ay mahaba rin. Ganun din naman ang Labstori na nahati sa apat na entry. Ngayon, sisikapin kong mag-blog ulit ng mga ganyang fiction at susubuking kumawala sa tema ng pag-ibig. lols. Susubukan ko ring magbahagi ng mga kwentong medyo personal para dun sa mga may tunay na pakialam sa may-ari ng blog na ‘to.

Sana bago magunaw ang mundo ay magawa ko ang mga kwentong gusto kong isulat at nandiyan pa rin kayo, dear readers. Sana hindi kayo magsawa. Susubukan ko ring maging masipag sa pag-bloghop at magkaroon ng mga bagong ka-blogroll dito sa blogosperyo.

Salamat.


ViperProof by ViperChill